X, x 1: ang ikadalawampu’t anim na titik sa alpabetong Filipino at tinatawag na eks sa Ingles at ekis sa Espanyol 2: ikadalawampu’t anim sa pagkakasunod-sunod o serye 3: ikasampu sa pamilang na Romano 4: di-tiyak na bílang ng tao, bagay, at iba pa 5: nakasulat o nakalimbag na representasyon ng titik X o x 6: tipo, gaya ng sa printer, upang magawâ ang titik X o x
x (eks) 1: a ang unang di-kilálang kantidad b ang unang coordinate 2: simbolo para sa multiplikasyon o pagpaparami 3: panandang ginagamit sa pagitan ng mga pigura na nagsasaad ng dimensiyon 4: sa pagsusulit, simbolong ginagamit na pananda sa malî 5: sa pelikula, klasipikasyon o simbolo para sa mga manonood na tigulang lámang 6: lagda ng hindi marunong sa dokumentong opisyal
rá•yos 1: mga bára o rod na nakaayos nang pasinag mu-la sa gitnang bahagi ng gulóng at tu-mutukod sa rim 2: mga sinag, gaya ng rayos X
X chromosome (x kró•mo•sóm) : sex chromosome ng mammal na dalawa ang bílang sa babae at isa sa laláki